Tama nga ang sinabi nila, good things come to those who wait.
January 6, 2012, kinausap ako ng Operations Manager ng kumpanya namin. Di ko sukat akalain na ang pag-uusap na iyon ang magpapabago sa takbo ng buhay ko. Pilit kong itinago ang saya ko nung araw na iyon pero may tumatakas na ngiti sa aking mga labi. Sabi saken ng Manager, huwag muna kong magsasalita sa nalaman ko, pero ilang minuto pa lang ang nakakalipas may ilang taong lumalapit na saken at binibigyan na ko ng pagbati.
Ang tanong: bakit may kalaliman ang pananagalog ko ngayon? Ito ba'y dahil pulos Tagalog na nobela ang mga nababasa ko recently? At bakit sumegwey ako sa pagka-conyo? Is it because I'm kinda getting tired na of the Tagalog monologue?
Aaanyway, eto ang tumambad sa email ko 4 days after:
O ha? Nagmumurang pula |
Ang malupet pa nyan eh may pasok ako nung araw na kinalat yan sa company email namin. At dahil dyan, dinaga ako ng pagbati sa conference pati personal greetings sa Pandion. May mga yumakap pa saken at nilapitan para kamayan ako. Nakakaloka lang kasi naka-dual chat ako't di ko mapansin yung ibang taong bumabati saken.
On the brighter side, napakasarap pala sa pakiramdam na naa-acknowledge ang hard work mo. I've been in this call center industry for almost 3 years and the only thing that I can say that I have achieved is being an Assistant Team Lead, which is just a privilege that was given to me... meaning they just gave me a title, pero OT TY ang lahat. Walang salary increase or even access to some tools that might be useful for such position. Ang masaklap pa dun mga 3 months lang ako naging ATL dahil half of the employees of that account has been transferred into another account, yung iba naman naging floating employee na lang.
Kaya iba talaga sa pakiramdam na nakuha mo na yung inaasam-asam mong rurok ng tagumpay. Kahit pinipilit na ko ng Supervisor ko na sumubok sa ibang department hindi pa rin ako nagpatinag, dahil hinihintay ko talaga ang pagkakataong ito.
My year is just starting and I'm already showered with blessings. Totoo rin pala ang Law of Attraction :)
O siya, tama na ito. Overdue blog na ito't ngayon lang na-post. Need to go back to reality dahil medyo culture shocked pa ko sa ganitong klaseng trabaho.
True indeed, this will be a better year for me. I can just feel it.
Bring it on 2012! :)

No comments:
Post a Comment