Just wanna share this story because this was so far the most awesome experience that I've ever had. Abot-langit ang tuwa ko dahil ngayon ko lang ito na-experience sa isang kumpanya.
January 29, 2012. Sunday. maaga akong pumasok kasi akala ko marami akong gagawin nung araw na iyon. May nabanggit pa saken na magkakaroon ako ng briefing about some tasks. It's kind of unusual because fixed ang schedule ng Training Team ng Saturdays and Sundays. And just as i thought, empty ang bay namin. Ako lang talaga ang pumasok sa Team namin.
Good morning station. What to do on a mundane Sunday??? |
Sabi ko sa sarili, "Great, pumasok lang ako para tumambay..." then it struck me, and I said it again with conviction, "GREAT! PUMASOK LANG AKO PARA TUMAMBAY! YAHOOOOOO!!!" *insert evil grin here*
At dahil wala, as in WALA akong gagawin sa office, ang pinaka-una kong ginawa ay kumain. Hehe. Sakto kasi na may Centris Market, and every Sunday is Banchetto Day! Swak naman na nagke-crave ako for churros. Kaya baba agad ang drama ng lola mo at naghanap ng malalafang. Buti na lang at maagang nagbukas sila ate na nabebenta ng churros. Sakto rin na bagong luto ang lahat ng benta nila:
6pcs for 60php, 10 pcs for 100php with choco dip. Omnyomnyomnyomnyom! |
Ang saraaaaaaaaaaaap! gusto kong ulitin this coming Sunday kaso off ko na yun.
Syempre konting browse sa internet at sound trip sa station para kunwari may ginagawa. Tapos chika-chika at panggugulo with other colleagues. At nang naburyong na ko kaka-round trip sa office at kaka-browse ng web, naisipan ko na maglibot-libot sa mall. Window shopping lang talaga ang balak ko. Pero nang makakita ako ng book stores tapos bargain pa on selected books, di ako makatiis. Biglang labas ng ATM Card at swipe lang ng swipe! Kahit kailan takaw-mata talaga ako pagdating sa libro. Kaya eto na ang bitbit ko pagbalik ng office:
Sabi ko window shopping lang eh, anyare? |
But it was all worth it. Katatapos ko lang basahin ang Lumayo Ka Nga Sa Akin ni Bob Ong at inuumpisahan ko na ang Para Kay B ni Ricky Lee. Can't wait to finish it :)
Habang nagbabasa ako ng libro sa office, dun ko rin naisip na matagal-tagal na kong di nagbabasa ng libro. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-blog. Full of angst ako sa pagba-blog nung nasa college pa ko pero ngayon di ko na siya naa-update. Kaya natanong ko sa sarili ko, "Ngayong wala naman akong masyadong ginagawa't hindi naman ako ganon ka-pressured sa work, bakit hindi ulit ako magsimula ng panibagong blog?"
Kaya pagkatapos ng shift ko, uwi agad at binuksan ang Photoshop CS4 (na kinakapa-kapa ko pa) para gumawa ng banner. At iyon na ang nakikita niyo sa header ko ngayon.
It was nice to have a 'Me' time because aside from doing nothing in the office, it also made me realize that I can't escape my first love which is reading and writing. Those two aspects never failed to haunt me. It was also an eye-opener for me that reading and writing is like a supplement for my soul. Though it may not be taken regularly, we need to make sure that it should be taken continuously since it's good for you. Pang-exercise ba ng utak at pag vent-out ng sama ng loob ba.
Sometimes, having those moments were your world stood still and contemplate on yourself is also a good thing. You should try it some time ;)
Ang tanong, kailan kaya mauulit yung mga ganung klaseng shift?

No comments:
Post a Comment