(NOTE: ang mga mababasa niyo ngayon ay galing sa diary ng may akda na pinag-kakatago niya ng mahabang panahon <too personal reasons>.  Grade six pa yata siya nung una niyang mabili ang kwaderno na ‘to, at  ipinangako sa sarili na hindi ipapalalam sa kung sino man ang mga  nakapaloob dito… Ngunit sa dami nang nangyari sa kanyang buhay ay napuno  na ito at bumili na ng bagong notebook. Kaya walang kaso yun, di ba?  hehe )
            Nakinig  ako kanina ng bagong album ng Sugarfree… at anak ng tokwa, sapul lahat  sakin ang mga kanta nila! Mahal ko na naman si Ebe.
            Sa totoo lang, sobrang appreciated ko ‘tong album na ‘to, lalo na yung nabasa ko yung intro ni  Ebe. Na-realize ko na pareho pala kami ng pinoproblema – ang pagsusulat  (bagong topic na naman ito. Abangan ang susunod na kabanata…).
            Pumili ako ng mga linya sa mga kanta nila, at ito ang mga naging interpretasyon ko sa bawat linya:
“… habang mata’y nakapikit
Yinakap mo akong mahigpit
Hanggang lumuhang kay pait,
Hanggang sa kahuli-hulihang saglit.”
-- Huling Gabi
            Etong  kantang ‘to hindi ko alam kung kanino ide-dedicate. Hindi naman sa  nagbubuhat ng bangko at nagpapahaba ng buhok, pero dalawa ang lalaki sa  buhay ko ngayon. Itago natin sila sa mga code name na Tado at Torta.
            Yup, kami pa rin ni Tado. Pero  nung tinanong ako ng kaibigan ko kung nasaan na daw siya buhay ko  ngayon, hindi ako nakasagot agad. Ang nasabi ko na lang, “he’s still  here… in my heart (yan ang mga banat!)”.
            Totoo  naman yun, walang tulak-kabigin. Pero ang tanong: ganon din ba siya sa  akin? 2 years na kaming magka-relasyon, pero yung relationship naming  parang stagnant water na lang. Wala nang bago, wala nang thrill. Kaya mo  bang walang communication for weeks? Kaya mo bang hindi kayo magkita  for 2 months? Ang dami na ngang nagsasabi sa akin, “natitiis ka niya ng  ganon???” Malamang ang sagot ay isang malaking OO. Alam kong busy siya  sa trabaho niya, pero hindi pa rin sapat na excuse yun para hindi ka  i-text o magparamdam for almost A MONTH.
            Feeling  ko tuloy wala na kong BOYFRIEND. Nakakalungkot lang kasi dati, siya  yung nage-effort na makuha ako at ipa-realize sakin na mahalin ko siya.  Ngayon ako naman ang todo effort to make him STAY.
            Eto namang si Torta… um, ewan.
            Nagkakilala  kami sa music scene. Pareho kasi kaming vocalist sa mga sarili naming  banda. Pero hindi ko pa siya napapansin noon, siguro dahil sa dami ng  mga nakikilala ko doon. Naging close lang kami nang nataon na pareho  kaming online sa Myspace. Palitan ng message, hanggang sa hiningi na  niya ang number ko. Ako naman super bigay kasi wala namang kaso sa akin  yun.
            At dun na nagsimula ang lahat. Nataon pa na nag-away kami ni Tado nun, as in magnu-new year na hindi pa kami nagkaka-ayos. At dahil dun, desperate and devastated and drama ng iyong lingkod, yung tipo bang umiiyak ka ng buong gabi. Dinaig ko pa ang lahat ng emo sa mundo sa ka-dramahan ko. At ag malupit pa, pareho pa kami ng problema! Pero magkaiba kami ng sitwasyon. Imagine, apat  na taon na sila, pero ang relasyon nila stagnant water na rin? Sobrang  abala kasi ng girlfriemd niya sa trabaho (teka, parang pareho lang,  hehe. Nagkaiba lang sa time span)
            His  girlfriend’s busy, I was being ignored – a perfect plot for a crime.  One time nagkasam kami sa gig, front act kasi sila dun. Sa totoo lang, I  really had a great time. Worth it ang 150 bucks ko, no regrets at all.  Sobrang thankful ako kasi kahit papano nakalimutan ko’ng problema ko.  Naging mas malapit kami sa isa’t-isa pagkatapos nung insidenteng yun.  Medyo naging seryoso lang nang umamin siya na may gusto siya sakin.
            Plastik  ko naman kung sasabihin ko nah indo ko nagustuhan yun. Sinong babae ang  di kikiligin dun, di ba? Lalo na sa sitwasyon ko, kung saan  nangangailangan ako ng kalinga. Ilang beses na rin niya sinabi sa akin  ang mga salitang dapat hindi ko marinig. Pero puro “thank you” o smiling  face lang lang ang nire-reply ko sa kanya.
            Oo, it’s a perfect crime. But I don’t wanna dig in, coz if I did; I know its going to be a very complicated situation. 
            Pinili ko pa rin si Tado. Sabihin man nilang martyrdom ang ginagawa ko, fine. I love him, enough said. Si Torta?  Hmmm… gusto ko siyang pasalamatan, really. Because in amidst of chaos  and cruelty bigla siyang dumating, letting me know that there’s someone  out there loving me for who I am. I feel appreciated. Yun lang, no more  than that. We’re just friends, really.
            Sa totoo lang  marami pa to. May mga issues pa si Tado  na hindi pa naliliwanagan at nabibigyan ng kasagutan. Pero kinakaya ko  pa. I’m handling this situation as an adult. I don’t wanna take drastic  actions. I don’t wanna jump into conclusions. Tsaka marami pa kong dapat  problemahin bukod pa ditto. I’m doing well. I’m fine.
“Sa salamin ako’y tumingin
unti-unti kong napansin
na sa dami na rin ng nangyari
halos di na makilala ang sarili.
… at ang tinig sa radio ay galing sa bata
na nagpapanggap na mama,
di niya lang alam
mahirap palang tumanda.”
--Salamin
            Obvious naman kung para kanino ‘tong kantang ‘to.
            Eto  na siguro ang ultimate song ng buhay ko. Swak na swak ang bawat letrang  nakasulat ditto. Sinasalamin nito lahaaaaaaaaat ng nangyayari sa buhay  ko ngayon. Buhay, bahay, pamilya, pera, pag-aaral, pag-ibig… nandyan na  lahat. Kung pwede ko lang hunting-in bahay ni Ebe’t halikan ko siya  ginawa ko na.
            Nandyan  na eh, di ko na kailangang palawakin pa. Tama si Ebe: mahirap tumanda.  Mahirap harapin ang mga problema kung utak-high school ka. Medyo guilty  ako sa parte na ito. Kasi pag may problema ako dinadaan ko sa inom,  gala, at lately, sa pagpunta sa mga gigs. Wala namang masama dun. Pero  as a cliché goes, at the end of the day, nandyan pa rin ang problema.  Wala kang takas dito.
            Tuwing sumasapit ang dilim, iniisip ko na sa dami kong accomplishments, ang tanong: KILALA KO PA BA ANG SARILI KO?
“Naakit at napabili tayo ng lobo
at di sinasadyang nabitawan
Di man lang natin hinabol.
Hinayaang lumipad, hanggang mawala
hanggang makalimutan na natin
kung bakit nga ba tayo naakit…
Hanggang napagod tayong umikot
Kung saan-saan na rin pala tayo umabot
At huli na nung ating malaman
wala na pala tayong ibang mapupuntahan
hanggang dito na lang…”
                                                --Pasyal
            Sobrang bigat ng dibdib ko nung nabasa ko ito… tol, ang lalim. Lupet! Napapamura ako nung binabasa ko, shift.
Etong part na ‘to para kay Torta. Bakit?
Hindi ko pa nasasabi ito sa kanya kasi gusto kong sabihin ito sa kanya ng personal (take note, in taglish. Serious mode tayo):
“You  don’t love me. You just need someone like me by the moment. You’re just  saying that coz you’re not with her that often. Sabihin mo ulit sakin  yan pag nagkita na kayo’t wala ka nang nararamdaman para sa kanya. But  I’m not assuring anything. You know I’m still gonna choose him.”
            Corny no? pero totoo. Alam ko naman na walang patutunguhan to.  At kung ano man ang piliin kong desisyon, pareho akong talo. So I choose to stay. Kaya hanggang dun na lang.
“Hanggang napagod tayong umikot
Kung saan- saan na rin umabot
Ang gusto lang natin malaman
Meron pa ba tayong ibang mapupuntahan?”
                                                --Pasyal
            Kay Tado  naman itong chorus part. Sarap itanong sa kanya, “Ano na? May  mapupuntahan pa ba tayo? Malayo- layo na rin ang nilibot natin. Saan  na?”
            Hay. =(
“Pikit matang managinip
mahahanap mo ako sa isang malalim
na sulok ng iyong isip.”
                                                --Wari Ko’y
            Hindi  ko malaman kung break-up song ito, pang-OFW, o pag may namatayan. Pero  kung ano man ito, maganda siya. Para sa kanya ito. Na kahit magkahiwalay  kami, tuloy lang ang ikot ng mundo ko. Masasanay lang akong mabuhay na  wala siya sa tabi ko.
            Actually, sanay na. Sana nga lang nasa isang sulok ako ng kanyang isip. =( =(
“Wag ka nang umiyak
mahaba man ang araw
uuwi ka sa yakap ko.
Wag mo nang damdamin kung wala ako sayong tabi
iiwan kong puso ko sayo…”
                                                --Wag Ka Nang Umiyak
            Sarap marinig ‘to galing sa kanya. Aw. =( =( =(
            Matapos kong marinig ang buong album, isa lang ang naging reaksyon ko: Hayop ka Ebe.
            Binabasa niya kung anong nasa isip ko. Soulmates?
            Sana mabigyan na ng kasagutan ang lahat ng katanungan ko. Kung pagsubok man ‘to, sana kaya ko pa.
            Back to reality. Haharapin ko muna ang iba kong problema.
 

 
No comments:
Post a Comment