(12:30 a.m., huling araw ng Pebrero)
Grabe, nakakahiya ako.
Ano ba’ng nangyayari sakin? Nasaan na ang dating Rimang sabik na sabik sa pagsulat sa kanyang diary?
Habang ginagawa ko ang isang entry ko saktong-sakto naman na ka-txt ko si Chrysa (hindi niya tunay na pangalan) naalala niyo pa ba yung sinabi ko dati? Na isa sa mga problema ko ngayon aya ng pagsusulat?
Nakakahiya talaga ako. Journalism student paman din akong tinuringan.
Tinanong ako ni Chrysa kung ano ba talagang problema ko.
Marami… buhay, bahay, pera, pamilya, pag-aaral, pag-ibig… pagsusulat. Sarap umiyak, kaso nakakatamad. Kaya nakikinig na lang sa Sugarfree (basahin mo na lang yung part 1).
Saktong-Sakto naman na pareho kami ng problema ni Ebe. Isa’t kalahating taon niya itong problema. Subok siya ng subok, wala talaga. Kailanan pa naman niya to para sa kanyang trabaho.
Halos isang taon din ako na hindi makapagsulat. Kung meron man, yun ay kalahating pilit, kalahating pandaraya. Pilit, kasi kailangang makagawa, may mailagay lang sa literary folio naming at school paper. Pandaraya naman dahil hindi maububuo ang mga gawa ko na walang tulong ng Wikepedia. Di ko man lang naisip na sa dami ng nangyari sa buhay ko, wala man lang akong naitalang record dito sa diary na ito, o kahit na mahugutan ng ideya.
Yun din ang problema ni Chrysa. Kung meron nga lang daw na machine na nakababasa ng utak ng tao’t ito na mismo ang magta-type para sayo, siguro madali na ang buhay ng mga manunulat na tulad ko (ehem). Exactly! Tama! Anak ng pating, kung meron nga talaga…
Tsaka parang nawawala na yung essence ng pagiging writer ko… naks, ESSENCE! Ano nga ba ang essence ng pagiging isang manunulat?
..
…
…….
Tingnan mo, pati iyon hindi ko na alam. Nawala na yung Rima’ng nakakapagsulat ng works of crap coming from simple things, yung tipong makakita ka lang ng piso sa daan makakahugot ka na ng inspirasyon dun. Ngayon parang wala na kong mahugutan… or am I not looking that well? Ewan! Basta…
Ano nga ba ang dahilan kung nakit ako nagakaganito? Ang mahanp ko lang na dahilan ay ang college life. Ang dami kasing ginagawa this past few weeks. Nandyan ang OJT, thesis, Academe, AcaPen, at ang Adfset. Pesteng Adfest yan. Pero dati naman akhit maraming ginagawa, I still find time to settle down and write something, kahit sa diary na ito. Ganon ang routine ko dati nung nasa Miriam pa ko. Ano ba talaga ang dahilan? The environment? The atmosphere? The changes in my life? Ewan! I’m running out of reasons.
Siguro dahil nalilibang ako sa ibang bagay, tu;ad ng photography at photoshop. Photoshop… sobrang adik ako dun, ganda kasi eh, hehe. Sino ba naman kasi ang hindi maa-adik dun? (subukan niyo, tingnan natin kung di kayo ma-adik… di naman halatang adik akong sabihin na adik ako dun noh?) Wala naming masama doon. Atleast nalaman ko na may ibang skill ako bukod sa pagsusulat. Kaya nga may subject kaming Photojournalism. Pero parang pang-tamad yun eh. Hinayaan mo na magsalita for itself ang ginawa mong litrato, hindi mo na pinagbigyan ang sarili mo na i-interpret yun thru writing. Dumepende ka sa mismong litrato.
Isa pa, na-adik din ako sa mga gigs. As in manonood ako ng gig kahit sa Ortigas pa yung venue, o kahit makipag-mosh pit pa ko sa UP Fair (PULP Summer Slam here we come!)
And speaking of PULP (magazine siya about music and style… in your face! Para ito sa mga mahihilig sa banda or just plain music), nakilala ko ang EIC ng mag na ito na si sir Joey Dizon. Magandang opportunity ito dahil naghahanap talaga sila ng mga writer. Binigyan pa nga ako ng call card. Anak ng torta, kung alam niyo lang ang kaligayahan ko nung araw na iyon, abot hanggang Milky Way! Nag-round trip pa sa langit at lupa!
Sobrang galak ako nun dahil ito talaga ang field na paa sa akin – mag makapagsulat para sa isang music magazine. Kaso sinukluban ako ng langit at lupa sa mga sumunod na pangyayari.
Sa hindi malaman na kadahilanan, hindi rin ako natuloy. Ewan ko ba kung writer’s block ito o sadyang pagod talaga ako at bagsak agad ako sa kama pagdating sa bahay (sa gabi kasi gumagana ang utak ko, isa sa mga dahilan kung bakit ako insomniac) Yeah, nakagawa naman ako ng article. Pero feeling ko its not good enough. May kulang pa. Parang pinilit ko lang na magawa. Kaya hindi ko na iitinuloy. Laki ng panghihinayang ko dun.
Something’s missing. Yan ang palagi kong nasasabi pag may natapos akong gawa. May kulang pa.
Ano ang kulang? Ano pa ba ang hinahanap ko?
Alam niyo yon, yung feeling na ang dami mong accomplishments (sa school), pero at the end of the day may hinahanap ka. Yung tipong may naiwan ka sa labas na gusto mong balikan. Damn! Ang hirap sa damdamin yon. Hindi ka mapakali. Kulang na lang sumabog ako o magsisisigaw papalabas ng bahay.
Naalala ko na naman si Ebe, anong naging solusyon sa problema niya?
May nagpa-realiza sa kanya na hindi niya binigyan ang sarila niya ng pagkakataon na pakinggan ang sarili niya. Sabi niya,”That night, for the first time in a looooooong while, I listened to myself again. That time, nakabukod ako sa pamilya ko. It gave me enough space to think…” Na-realize niya na marami na palang nangyari sa buhay niya, na hindi na siya ang dating Ebe na alam niya. Nagkulong siya, inaway ang sarili, tumawang mag-isa, magluksa at lumuha, nakinig at tinaggap ang mga bagagy na dati ay di niya maamin. Natutunan niyang patawarin ang sarili niya. Dun sa nasimulang dumating ang mga komposisyon niyang walang kasing ganda. At dun nagsimula ang kanyang tala-arawan.
Mat sinabi din si Chrysa in connection with it. What if hindi naman talaga nawala yung essence ng pagiging writer ko? What if hindi lang kami naghahalingkat ng mabuti?
May point si Ebe’t Chrysa. Siguro hindi ko lang pinagbigyan ang sarili ko. Siguro hindi ako naghahanap ng mabuti.
Kaya ang ginawa ko: gettingbck to my roots. Nagahalungkat ako (as in literal) ng mga dati kong gawa. Binasa ko ulit ang luma kong siary (naka-dalawang natoebook na ko), nagbasa ng mga sulat na hindi ko naibigay (oo, nagla-love letter po ako dati. Isa pang mahabang storya na wag na nating pag-usapan), mga essays ko noong high school, pati ang website ko binasa ko (opo, may website po ako*) Halos mangiyak-iyak ako sa mga nabasa ko. Napatanong tuloy ako, “ako ba lahat ang gumawa nito?”
Hindi naman sa pagiging narcy (narcissistic), nakagugulat at the same time nakakatuwang isipin na may mga gawa kang binabasa ng mga tao. Na kahit papano naa-appreciate nila… naaappreciate nga ba?
Wala akong pakialam. Kung ano man ang idinidikta ng utak ko, isusulat ko. Habang hindi pa ko nagkaka- Alzheimer’s, maghahanap ako ng mga panghuhugutan ng inspirasyon. Babalik ulit ak sa pagbabasa. Sisikapin kong makatapos ng isang nobela (tatapusin ko na ang Sybil) para hindi ako mapag-iwanan. Kung kailangang gising ng madaling-araw gagawin ko, makapag-sulat lang. magkukulong ako, aawayin ang sarili, tatawang mag-isa, magluluksa at luluha, pakikinggan at tatanggapin ang mga bagay-bagay na hindi ko maamin sa sarili ko. Makikipag-bati ako sa kahapon ko, pero wala pang kasiguraduhan na mapapatawad ko na’ng sarili ko.
Siguro ito muna ang panghuhugutan ko. At, baka-sakali, mapatawad ko ang sarili ko pagkalaon. Ipapa-realize ko muna sakin ang mga bagay-bagay, hehe.
No comments:
Post a Comment