10:56... 57... 58... 59... 11:00pm)  
          Saktong  alas-onse na ng gabi. Hanggang ngayon ay nakapangalumbaba pa rin ako sa  study table at nag-iisip kung anong isasagot para sa project namin sa  history. Tungkol saan? Syempre! Tungkol sa walang kamatayang buhay ni  Rizal. Pinapagawa kasi kami ng film review sa pelikula ng biyenan kong  si Marilou Diaz-Abaya (at syempre joke lang yun. Nangarap na namang  asawa ko si Marc Abaya ng gising), at hanggang ngayon ay wala pa rin  akong nasisimulan sa project ko na ang deadline ay bukas na.
          Tsk, tinamaan na naman ako ng katamaran... sige! Walang tulugan ulit, magpapakape na lang ako.  Sambit sa sarili habang tinatahak ang daan papuntang kusina namin na  tatlo hanggang limang yapak ang layo. Aaminin ko, coffee addict ako.  Nakagawian ko na simula nang mag-college ako. Walang gabi na hindi ko  pinalalagpas na magkakape ako. Minsan nga sinubukan kong timplahin ang  limang sachet ng Nescafe sa isang gabi. Para rin 'to sa finals sa Psychology, sabi ko noong 1st  Year pa ko sa Miriam. Kaya nung tinungga ko yung isang mug, wooow...  lakas ng tama tsong! Para ka na ring umorder ng 20 shots ng espresso sa  starbucks, for the price of 50php only! Kaya pagdating sa kusina, kuha  agad ng mug at thermos, sabay timpla ng tatlong kutsarang kape (na  parang milo lang ang tinitimpla), dalawang kutsarang asukal, sabay buhos  ng kumukulong tubig. Amoy pa lang nakagigising na, at tingin pa lang sa  mug ng kape parang lunod ka na. Kaya hindi na ko nagtataka kung bakit  walng nagpapatimpla sa'kin ng kape.
          Balik  ulit sa study table, dating gawi. Nakapanglumbaba ulit habang  nire-recall ang buhay ni Rizal. Tiningnan ko ang coffee mug na nasa tabi  ko. Minasdan ko ang itim ng kulay ng kape. Kulay na bumabalot ngayon sa  aking paligid at ng aking isipan, habang ang pait at tapang nito ay  patulot na dumadaloy at nanunuot sa aking puso't damdamin, na siyang  dahilan ng aking pangamba. Bigla tuloy akong naumay sa kape. Napadila na  parang diring-diri sa tinimpla ko kani-kanina lang. Napagdesisyunan ko  tuloy na itapon na lang, kahit wala pa sa kalahati. Dali-dali akong  tumungo ulit sa kusina para itapon na sa lababo ang kape na  nangongonsensya sa akin, sabay biglang pagapnsin, teka, first time kong hindi nakaubos ng kape ah? Ayos.
(Be back in 10 minutes)
(11:46... 47... 48... 49... 11:50pm)
          Sampung minuto bago magalas-dose,wala pa rin akong nasisimulan sa project ko.estupendo, sabi ko sa sariliko, "great" sa wikang Espanyol. Anak ng kepweng, kailan mo ba gustong magumpisa, 'pag gunaw na ang mundo??  Pasabi ko sa konsensya ko habang lumalagok ng isang basong tubig.  Tumitingin-tingin ako sa mga gamit na nakapatong sa study table nang  biglang madungaw ko ang libro na hiniram ko sa kaibigan ko na galing pa  sa dati niyang pinasukang unibersidad. Dali-dali kong binuklat ng walang  dahilan... Teka, parang may nararamdaman ako... Nakup... Eto na naman,  tinatawag na naman ako ng trono ko. Akala ko naman nailabas ko nang  lahat matapos kong itapon yung kape...
(Be back in 10 minutes)
          Nakapagtataka,  wala namang naglabas ng sama ng loob nung pumunta ako sa kasilyas  namin. Pero masakit pa rin ang tiyan ko... Teka, hindi yung tiyan ang  masakit eh. Dahan-dahan pong kinapa ang tiyan ko pababa. Hindi pala si  estomago ang masakit, si Mareng Ombligo pala. Bigla tuloy akong  kinabahan. Leche, ko na nga iniisip pinaalala pa, pabulong kong  sinabi sa sarili ko. Habang hinihimas-himas ko si Mareng Ombligo, bigla  ko na lang napansin yung binubuklat ko kanina. Nasa pahina animnapu't  lima siya. Isa itong maikling kwento na pinamagatang "Kalawang". Istorya  ito ng isang batang lalaki na ikinukwento ang buhay niya ng kahirapan  kasama ang kanyang ina't ate na may mapait na katapusan. Tragic ika nga.  Sa hindi ko alam na dahilan, natuon ang mga mata ko sa isang parte ng  istorya kung saan nagpabili ang ate niya ng isang maliit na istik na  nakabalot sa palstik. Kainis naman, sabi ko sa sarili ko, nagpapatama ba?
          Bigla  lamang ako may naalala nung nabasa ko 'yon. Bigla tuloy ako napatingin  sa bag ko. Tumingin ako sa paligid ko, wala namang nakasilip. Dumungaw  ako sa may sala, nandoon ang Dada at mga kuya ko. Dalawa tulog, habang  ang isa ay adik na adik sa panonood ng VCD. Ok na, pwede ko nang ilabas,  sabay labas ng isang kahon kung saan nandoon yung maliit na istik na  nasa plastik. Habang tinitiis ko ang kirot na idinudulot sa akin ni  Mareng Ombligo, napatanong ako: eto rin kaya yung brand na ginamit nung ate ng batang lalaki sa istorya?
          Sabi ng kaibigan ko mas makikita mo ang epekto nito 'pag ginamit mo sa umaga. Hay, o sige. Maghihintay ako.
(6:56... 57... 58... 59... 7:00am)
 

 
No comments:
Post a Comment