Monday, January 11, 2016

Out with the Old...

May mga pagkakataon na sadyang said na ang utak at kaluluwa mo. Na sa sobrang pagka-said, wala nang naipipiga ni kakarampot na istorya na nais mong ibahagi sa madla.

Siguro ito na yung sinasabi nila na mid-life crisis sa pagsusulat. Na sa daming nangyayari sa buhay mo, hindi mo alam kung saan ka magsisimulang makwento. Na sa dami mong gustong ikwento, nagmistulang kalat na lang siya sa iyong isipan.

Naisip ko, gusto kong balikan ang pagsusulat? Pero pano ulit ako magsisimula?

Naisip ko rin, kung gusto kong bumalik sa pagsusulat, kailangan kong maglinis ng kalat. Overhaul kumbaga. Kailangan kong piliin nang mabuti ang mga karanasang dapat itago, at iwan ang nakaraan. Kailangang maliwanagan ang isipan para makapagsimulang ulit.

Speaking of overhaul, iiwan ko na pala itong blog ko.

Hindi dahil ayoko nang magsulat. Kundi dahil kailangang maliwanagan ang utak ko.

Lilipat lang ako ng bakod, para makapagsimulang muli.

Salamat Blogger. Hanggang sa muli.

No comments:

Post a Comment