Saturday, November 30, 2013

Subconscious Sunday: The Haberday Muah Muah Tsup Tsup


Dahil di kita ma-contact sa phone mo ay dito na lang ako magpapag-ibig mode. pagbigyan mo na ko't minsan lang naman 'to.

4 na taon na pala tayo. Parang kahapon lang naka-dreadlocks at naka-floral polo ka pa't nagpapaalam sa ama ko na liligawan mo ko. Ngayon naka-clean cut ka na't busy sa pagiging merchman ng clothing line natin.

Ngayong isang taon na naman ang nadagdagan sa buhay mo, nawa'y mas maging wais at mapagmatyag sa pagbabago sa mundo. Ako'y lubos na nagagalak dahil naumpisahan mo na ang isa sa mga hangarin natin sa buhay, ang magkaroon ng sariling business.

Kung ang iba'y may throwback Thursday at flashback Friday, ako naman ay may subconcious Sunday.

Marami pa kong stolen shots mo, kaso wag na lang baka mapikon ka na. Alam mo namang troller ang girlfriend mo, hehehe.

HAPPY BIRTHDAY SAYO MAMAW MY LAB SO SWEET MUAH MUAH TSUP TSUP. Kampaii sa'yong pagtanda (muahaha) at sa marami pang taon nating pagsasama 


Nagmamahal,
Ang iyong Panget


No comments:

Post a Comment