Thursday, July 21, 2011

Manga Manga! Mua!!!

Jun 2, '08 1:52 PM


Shemai, nalula ako.

    Sinamahan ko si andeng sa SMX para sa Mangaholix Convention. At may na-realize akong isang bagay: allergic ako sa mga cosplayers.

    Hindi naman sa dinidiscriminate ko sila. Sa totoo lang natutuwa ako sa kanila, dahil very enthusiastic sila sa mga ganoong event. lahat ng effort at time ay nilalaan nila para lang doon. gagawin nila lahat para maging makatotohanan ang paborito nilang manga. gagastos sila ng malaki para sa mga costumes at accessories, mabigyang-buhay lang nila ang isang character sa anime. gagawin nila'ng lahat para maging ibang tao (o nilalang) kahit sa isang araw lang. hindi ko kaya ang ganoong klaseng effort. ang kaya ko lang gayahin sa ngayon ay si Daria, at hindi pa siya anime character.
   
    Pero bakit ako allergic sa mga cosplayers?

    Ewan ko ba, tuwing nagpapa-picture ako sa kanila o kahit may makasalubong lang ako na cosplayer, nababahing ako. hindi ko alam kung bakit. hindi naman sa pagiging exag, ganoon talaga ang nangyayari. totoo. walang halong stir.

    May isa pa kong na-realize: hindi ko kayang makihalubilo sa mundo nila.


    Hindi naman ako against anime. Actually nanonood pa nga ako nito. mahilig din naman ako sa mga japanese flicks. mula mojacko, pokemon, doraemon, trigun, deathnote, claymore... pinapanood ko mga yan. ngunit nung pumunta ako sa isang Manga Convention for the first time, para akong nalunod. para akong pumasok sa isang malaking comics na nandoon halos lahat ng mga characters sa manga't nagro-royal ball. parang UP Fair na mga anime at mga adik na adik dito.

    Pagpasok na pagpasok lang sa hall, sinalubong agad ako ng babaeng namimigay ng laminated card na may anime character. sa sobrang clueless ko kung sino ang nasa card, nasabi ko na lang,"sino ka? ayoko sayo!" di ko na lang inalam kung tinitigan ako ng mga organizers sa entrance, diretsong pasok na lang ako.

    Unang bubungad sayo ang sangkaterbang anime DVDs, mapa-pirated at original. 95-200php ang presyo. buy1 take 1 na, may libreng VCD pa! pwede na! kaso ang problema, wala pa sa kalahati ang mga nalalaman ko dito.

    Syempre hindi mawawala ang mga comics. mapa-japanese o marvel meron dun! nakatutuwa nga ding isipin na may mga Pinoy na gumagawa ng manga, at ini-export pa sa ibang bansa! ang nakalulungkot lang ay konti lang ang nakakaalam dito sa Pinas. May isang Pinoy manga ako sa bahay, Culture Crash Comics. kso nabuwag na yata yun.

    Meron ding mga action figures, mga collector's item na di ko malaman kung anong tawag, kimonos, manga drawing lessons, at manga gallery. doon ako humanga, dahil di mo aakalaing mga Pinoy ang gumawa nun.

    Pero mas humanga ako dito: Digital drawing and coloring. anak ng teriyaki, deretsong photoshop sa pagdo-drawing! touch screen pa ang gamit. at halos malapit na sa katotohanan ang mga drawing. nago-offer nga sila ng workshop eh, pero coming soon pa daw.

    Ngunit sa lahat ng nakita ko, hindi ko pa rin kayang makihalubilo sa kanila. para akong pumasok sa ibang dimension, kung saan normal lang ang naka-wig o naka-kapa o naka-costume sa mundo nila. kung saan weird ka pag nakapang-normal na kasuotan ka. nanliit ako. nakaka-intimidate. para akong kuting na napadaan lang dun, tapos sila puro mga leopard at panda (wala akog maisip na matinong hayop). hindi ko kinaya ang mundo nila. pero nagpapasalamat pa rin ako't nakapasok at na-experience ko ang mundo nila. masaya naman, enjoy. parang lahat ng mga tao dun magkakasing-edad lang dahil iisa lang ang hilig nila. para din akong bumalik sa pagkabata.

    About MOA naman... oo, maganda. malaki. pero ayoko sa MOA. exag na kasi ang laki, hindi ako natuwa. sa sobrang laki parang nakakalungkot, kasi konti lang ang tao... o nataon lang yun?

    Ang gusto ko lang sa MOA eh yung space sa paligid nito at ang view ng dagat. sarap titigan, sarap picturan. pupuntahan sana namin yun bago umuwi, kaso may pyrolympics pala dun. magbabayad pa kami ng entrance, shemai.

    But in fairness, adventure siya. first time kong sumakay ng MRT na dulo-dulo ang pupuntahan mo. enjoy pa naman akong sumakay ng MRT (tapos nakikinig ka ng 'Existentialism on Prom Night' by Straylight Run, try niyo). babalik lang ako ng MOA pag may plano na kong libutin yun at desidido na kong mag-exercise. tsaka yung seaside lang ang babalikan ko dun.

    Sa ngayon, maa-appreciate ko pa ang laki ng SM North, Marilao, Pampanga, at ngayon ay SM Baliuag. kuntento na rin ako sa Puregold at South Supermarket.

    Sa ngayon din, kailangan ko nang tapuson ang series ng Deathnote bago mag-pasukan.
    Speaking of pasukan, kelangan ko nang magpa-overhaul...



P.S. na-lobat digicam, di ko ma-upload tuloy ang mga pics. bakero...

No comments:

Post a Comment