Thursday, July 21, 2011

Buhay S.A.

Jul 21, '08 3:57 PM



Ang mga kadalasang nakakadaupang-palad ko nung S.A. pa ko.




"Ms. Santos, pakiayos naman ito."


"Fatima, paki- alphabetize naman ang mga files na 'to."

"Rima, pakipuntahan naman si ganito..."

'Yan ang bubungad sa akin pagpasok na pagpasok ko pa lang sa SASS. Syempre super bati naman ng, "good morning" o "hi ma'am/sir" ang inyong lingkod, kahit na sa kaibuturan ng aking puso ay may nagsasabing, "ano ba yan??”

'Yan ang pinasukan kong trabaho, ang pagiging Student Assistant, o SA sa mga naka-aalam. Sa totoo lang, hindi ko hinangad na magkaroon ng ganitong trabaho (kung trabaho man itong maituturing). Sa totoo lang, ito ang pinaka-ayokong trabaho sa buong mundo - ang maging assistant o secretary. Sabi ko sa sarili ko gawin ko na'ng lahat ng trabaho 'wag lang ito. Pero bakit ko pa rin piniling maging SA???

In fairness naman, may mga "cheap thrills" na kaakibat ang pagiging SA, at isa na dito ang violation card. Biruin mo, ibibigay sa'yo ang awtoridad na magpataw ng kaparusahan sa mga echuserang violators! Ang kailangan mo lang gawin ay tatakan ng mahiwagang trodat ni Ma'am Roces ang bawat letter kung saan nagmamakaawa ang mga estudyante na kunin ang ID nila, tapos ika-countersign mo na lang. Tapos may karapatan kang magalit o manita ng mga estudyante bukod pa sa violation na ginawa nila:

"Anong buhok yan? Bawal ang pink na buhok."

"Tantanan ako ng open-toe red pumps mo ah? kung ayaw mong ma-realize ang mga bagay-bagay."

"Magpapagupit ka o talagang paninindigan mo ang pagiging emo??? GAY!!!"

*Tapos tatawa ng malakas*

Alam mo yung feeling na nakaluhod at wino-worship ka ng mga estudyanteng violators, tapos ikaw naman dumadagundong ang tawa mo habang hawak-hawak ang mahiwagang trodat? Tapos lumalagablab ang mata mo't paligid... Ganon ang nararamdaman ko. Pero syempre, may hangganan din ang pagiging authoritative ko, hehehe.

Nandyan na rin ang pagiging gopher ko. Ano nga ba ang gopher?

Simple lang. Gopher this, gopher that. Punta ka dito, punta ka roon. Ewan ko na lang kung di niyo pa na-gets. Slow.

Syempre 'pag SA ka, di mo maiiwasang mautusan ka ng mga guro na papuntahin ka sa ibang department o college para maiabot ang mga important files or documents. Opo, MGA guro. ANIM po kasi ang "boss" ko sa office na napasukan ko. Ok naman sila. Mababait. Tapos minsan 'pag tinotopak nag-iingay, nakiki-chika din sa aming mga estudyante. Minsan nga nakiki-cosplay pa ang iba.XD

Minsan may pinapa-receive lang sa'yo, minsan may pinapakuha sa'yo... mga ganun-ganon lang naman. Kaya 'pag nakita niyo kong naglalakad sa campus na may dalang logbook o files, confirm na yun, nagro-ronda patrol na ko nun sa mga departamento. Ayos nga eh, nakakalibot na ko, nakakapag-excercise pa ko... nang nakatakong!

Kapag hindi naman gopher ang papel ko sa mga bossing ko, nasa office lang ako't kaharap ko ang mga papeles. Wala lang, ayos-ayos lang. Ipapa-organize sa'yo in alphabetical order... Pero ito ang pinakamalupit na ginawa ko sa office as of now: ang pag-file ng mga violation card. Bakit? Ire-record mo lang naman ang mga violators... HANDWRITTEN. Isusulat sa logbook. Shemai. Nung una ok-ok pa ko kasi first time kong gagawin yun. Pero kinalaunan din parang gusto nang dumugo ang kamay ko. Pero dahil isa akong pasensiyosang tao, ginawa ko yun ng walang puot. Sabi nga sa akin ng co-SA ko di daw niya kaya yun. Well, hindi ko naman siya inaaraw-araw. 'Pag may time ko lang siya isinusulat. And I'm proud to say that I've already accomplished the said task. All 11 pages written by me, yahoo!

In fairness din naman, enjoy ako sa pagsusulat ng mga violations and sanctions. Dahil bukod sa improper uniform, meron ding open shoes (panu kaya yun?), wearing long hair (wig?), making uneccessary noise (ano kaya yun?) at UNproper uniform. Astig! Ngunit meron din akong nakitang mga serious violations, tulad ng PDA, gambling, fighting inside the campus, and going to school under the influence of liquor. At ang parusa? 10-day suspension and expulsion. Nice.
Maliban pa sa mga ito, medyo light na lang ang mga gawain ko sa office. Tulad ng pag-ayos ng mga gamit, mag-take ng calls, i-accommodate ang mga visitors, at maging customer service representative. Parang SM sa loob ng school.

Ngunit bakit nga ba ko naging SA?

Una sa lahat, irregular student na ko. Isang oras lang ang klase ko tuwing umaga ARAW-ARAW. So anong gagawin ko sa mga natitirang oras ko? Nag-SA ako dahil gusto kong ma-consume ang oras ko sa mas makabuluhang bagay. Masaya ako't hindi nasasayang ang oras kong nakatunganga sa bahay't binibilang ang mga gagamba sa dingding ng kwarto ko. Natutuwa ako't naibibigay ko ang aking serbisyo sa mga taong nangangailangan nito (kahit na ang rason ay ang kanilang katamaran. Tamaan an ang tamaan =3). Nag-SA ako dahil gusto kong malaman kung hanggang saan ang pagiging pasensiyosang tao ko. Nag-SA ako para malaman kung gaano ako ka-disiplinado. Isa rin itong challenge sa pagkatao ko, dahil sinusubukan ko'ng sarili ko kung masusunod ko ang batas- aristokratiko ng aking pamantasan at kung saan ang hangganan nito. Dahil SA ako, kailangang maging mabuting halimbawa sa mga echusero't echuserang mag-aaral kahit na ako ay isa sa mga pasaway. Dahil SA ako, kailangang sumunod sa batas, kahit labag ito sa kalooban ko.


Bonus na lang ang kinikita ko sa pagiging SA at mga freebies na nakukuha ko, tulad ng free printing and internet access ;;)

Buti na lang hindi pa naba-block ang multiply dito. Kundi yari ako kapag nakita nilang may gumagamit ng v-tunnel sa computer na ito. Alam na nila kung sino na yun.

O sige, back to work.

No comments:

Post a Comment