Monday, December 29, 2008

Sulit Nga Ba?

Balik na naman ako sa pagbabasa ng libro. At sa maniwala kayo't sa hindi, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatapos ang novel na Sybil.

Imagine, since 1ST YEAR COLLEGE ko pa siya binabasa, at hanggang ngayon hindi ko pa rin tapos. Limang taon. Grabe.

Yun ang problema ko pagdating sa pagbabasa ng novels... once na naumpisahan ko, nahihirapan na kong tapusin. Hindi ko alam kung bakit. Nabasa ko na lahat ng Bob Ong books, Pugad Baboy 1-20 pati na rin ang graphic novels, sunday comics at compilation ng editorial caricatures ni PM Jr., dalawang libro ng kiko machine komiks, pupung, simo, culture crash, the king of nothing to do... ngunit ang kaisa-isang novel na paborito ko pa naman dahil tungkol ito sa multiple personalities eh hindi ko pa rin matapos. Lagpas kalahati na yung nababasa ko, LAGPAS KALAHATI. Ngunit di ko pa rin natatapos.

Siguro dahil sa mga terms na ginamit sa libro. Maraming psychological at old terms kasi ang ginamit dun na ngayon ko palang nae-encounter. Kaya 'pag may nabasa akong word na di familiar saken, buklat agad ako ng dictionary o thesaurus. Kaya nagtatagal ako sa pagbabasa.

Epal, nagdahilan ka pa. 'Wag ka nang magpaliwanag rima, letse.



~~~o0o~~~


Nagpasama ako sa ka-tropa ko nung isang araw sa SM para tumingin ng mga libro sa Book Sale. May katagalan na kong hindi bumabalik dun kaya nung pumunta ako dun, laking gulat ko sa mga nakita kong libro.

Biruin mo, makakabili ka na ng limang libro... at hindi lang libro, NOVEL pa, na hindi pa aabot sa 100 pesos. Lahat hardbound.

Sa sobrang tuwa ko, binili ko pa ng libro ang mga pinsan ko ranging from 5-15 pesos. Kuripot ko, hehe.

Pero dito talaga ako naloka: nakabili ako ng isang novel na singkapal at singlaki ng latest book ng Harry Potter na novel na hardbound pa sa halagang 10 PESOS! HARDBOUND pare! Para akong bumili ng malaking almanac. Hardcore reading to.

Sabi ko sa sarili ko, "Eto ang tunay na kahulugan ng BOOK SALE!" Cheap buy talaga!

Ngunit dahil isa rin akong manunulat, natanong ko ang sarili ko: matutuwa ba ko kung ang aking ginawang libro... ang pinagpuyatan, pinagpigaan ng utak at pinaglaanan ng panahon na libro... ang librong pinag-buhusan ko ng mga ideya't likhain ng malikot ko't matalinhaga kong utak... ang librong itinuturing kong isang sining, ay worth 10 pesos lamang?

Medyo nakakalungkot isipin na ang ibang mga authors na tumanda na (yung iba eh namatay na, tulad ng author na nabili kong libro sa halagang sampung piso) sa pagsusulat eh makikita lamang ang mga gawa nila sa isang bagsakan ng mga librong nilimot na ng panahon... kaya minsan nakakatakot isipin na kung maging novelist din ako in the near future, baka makita ko lang yung gawa ko sa mga ganoong lugar.


Napapagisip-isip tuloy ako... sulit nga ba ang tinahak kong landas?


Ewan. Basta ang alam ko masaya ako 'pag nagsusulat. Nailalabas ko ang lahat ng kailangang ilabas.


O siya, balik sa pagbabasa.




***In memory of Alice Adams. Nabili ko ang libro niya sa halagang sampung piso lamang. Sana makabuluhan ang kanyang pagsisikap na makalikom ng mga istorya para sa libro na iyon bago siya mamaalam.***

No comments:

Post a Comment