Julie Tearjerky: Wala... wala 'to.
Buloy: Eto naman, parang di pa ko sanay sa'yo. Sige na sabihin mo na...
Juie Tearjerky: Sure ka?
Buloy: Ge na, go...
Julie Tearjerky: Kahit pala ako may "frustration" din. Kainis. Aminado na kong talo na ko sa sarili kong laro, tanggap ko na. basta makita kong ayos sila ok na rin ako. masaya na ko kung ano man ang estado ko ngayon. mahalin ko muna talaga sarili ko... Oo, ganun na nga. ayoko munang manghimasok sa isang taimtimang relasyon. unahin ko muna ang dapat unahin, at yun ay ang pagtatapos ko. wala munang makahahadlang dun, kailangan ko lang ng kaakbay at masasandalan habang tinatahak ko yun. tama na muna ang kahibangan. pulutin ang dapat pulutin, buoin ang dapat buoin, at yun ang pagkatao ko. ganun muna siguro, ganon na nga...
Buloy: ... Ano ba talaga problema mo?
aduy....
ReplyDeletevaket? hehe
ReplyDelete