Friday, May 16, 2008

Writer's Block





Frustrations ko as a writer...


Isip. Isip. Isip.
Kumpul-kumpol na mga salitang nakaimbak sa iyong isip.
Parang mga blokeng unti-unting nabubuo
upang maging pundasyon ng isang makabuluhang istorya.
Kaharap ang isang ubod nang nipis na kahoy
Habang hawak-hawak naman ang isang manipis na plastik
na nagsusuka ng tinta.                          

Nang biglang...

Isip. Sulat. Tigil. Tulala.
Isip. Sulat... Ngunit!

Tigil. Kunot ng noo. Kamot ng ulo.
Isip. Isip. Isip, Isip.

... Tulala. Blanko. Tulala. Tulala. Blanko.
Blanko.

AAAAAAAAAARRRGHHH!!!!!

Isang sigaw ang narinig kasabay ng paglamukos ng manipis na kahoy.
Isang pagpupumiglas ang naramdaman,
kasabay ng paglabas ng mga patak ng likido sa noo at kamay.
Mga namuong salita sa isip ay nagkabuhul-buhol
na tila 'di na maitutuwid pa.
Unti-unti nang nagigiba ang pundasyong binuo kanina lamang.


No comments:

Post a Comment