Monday, March 10, 2008

Emo ako ngayon... (ewan)

<Mar 5, 2007>

hay, ang buhay naman talaga...

*TAKE NOTE: kasalukuyan ako ngayo'ng nakikinig ng Rufio habang ginagawa ito. kung kilala niyo ang bandang rufio at alam ang kanta nilang "over it", hayaan itong tumugtog ng paulit-ulit sa utak ninyo habang binabasa ito. kung hindi nyo alam ang kantang 'yon, pwes umiyak ka...

katatapos lang ng grupo namin na gumawa ng PSA (Public Service Announcement). suicide ang theme ng psa namin (kung hindi niyo alam kung ano ang psa, isipin niyo na lang ang mga commercials na napapanood niyo sa MTV, yun na 'yon) sa tingin ko naman maganda ang kinalabasan. marami na kasi sa mga kaibigan ko, maging mga prof ang nakanood nito, at lahat sila'y nagandahan naman dito. may isa nga sa kanila na nag-text pa sakin para sabihan lang ng ganito, "ang ganda talaga ng psa niyo... pang-emo talaga, hahaha..." parang gano'n yung text niya. sabi ko naman sa kanya, "kupow... pwede na rin, kahit hindi talaga iyon ang theme" pero napaisip-isip ko, siguro gano'n talaga pag 15% emo ka at mahilig ka sa mga gothic-morbid-bloody things, hehe.

so nandito ako ngayon sa computer shop na almost 3 hours nang nagbababad sa harapan ng monitor (parang award ko na 'to for a job well done... well done nga kaya?)... sa totoo lang plano ko lang namang gumawa ng blog dito sa website ko, pero anong ginawa ko???: nag-check ng email, nag-check ng account sa findagoth.com, nag-check ng account sa friendster, nag-ayos ng account sa friendster, nagsagot ng survey sa friendster, nanood ng music video sa friendster, at nanood ng kung anu-ano sa YouTube. bakit? simple lang: dahil wala akong maisulat (o maitype rather) sa blog na ito. alam mo yung feeling or urge na  may gusto kang sabihin thru writing or blog, pero hindi mo magawa dahil hindi mo alam kung paano ka magsisimula? yun ang nararamdaman ko ngayon. sabi nga sa'kin ni G.Zople (di niya tunay na pangalan), isa daw ito sa mga klase na tinatawag nating writer's block.

writer's block? o tinatamad lang ako?



oo aaminin ko. minsan talaga dinadapuan ako ng katamaran 'pag gusto kong magsulat. hindi ko alam kung bakit, journalism major pa man din akong tinuringan.

ewan ko ba talaga. naghahanap ako ng dahilan... pero eto lang ang naisip kong dahilan: siguro dahil hindi "friendly" sa'kin ang mundong ginagalawan ko ngayon, literally...

nakatira na kasi ako sa probinsiya. tough ang Bulacan ay maituturing na province, may mga lugar naman dito na tinuturing nang "city", tulad na Malolos at Meycauayan (na kasalukuyang pinupuntirya ng Imbestigador, umiyak kayo Oteft, hahahar) Pero sa lugar na tinitirhan na ko na itago natin sa pangalang Baliuag, masasabi mo talagang probinsiya ito dahil aside sa punto nila, medyo mabagal ang pag-unlad ng buhay dito.

dati kasi akong natira sa isang siyudad na tawagin nating sa pangalang Katipunan (ba't pa ba ko nagtatago ng pangalan e obvious naman?) nag-aral kasi ako sa isang exclusive school doon at nagkapag-dorm na malapit lang sa former school ko (biruin mo, dadaan ka lang sa daan na nakamamatay, sabi ni chairman Bayani). natira ako dun ng isang taon. aaminin kong mas gusto ko ang environment doon kaysa dito. dahil nagagawa ko ang lahat ng gusto kong gawin, tulad ng lumabas ng dorm ng hatinggabi, tumambay kung saan-saan, um-attend ng gigs tulad ng UP Fair, pati na rin ang madalas na ginagawa ko dati tuwing nagpupuyat ako - ang magsulat. nakaka-compose pa nga ako ng mga kanta nung nandoon pa ako. kung hindi ako sa room namin, aakyat lang ako ng rooftop at magmumuni-muni... at presto! may gawa na kong kanta. masasabi ko talagang ultimate freedom ang naranasan ko nung nagdo-dorm pa ko.

pero ngayon, nagbago na ang lahat. simula nang lumipat ako ng eskwelahan at ng bahay (nakikitira lang kami ngayin sa mga lola ko), parang sumikip na ang mundo ko. oo maraming nangyari at mangyayari pa sa buhay ko, nagpapasalamat din ako na may mga bago akong kaibigan na mga talentado na, tarantado pa!(peace tayo friends) pero kahit anong ganda ng mga nangyayari sa'kin ngayon, balewala rin kung hindi ko naman maipahayag sa mina-master kong medium - ang pagsulat. kahit anong gawin ko na regime para lang makapag-simula ng isang artikulo o obra maestra (kapal) wala pa ring nangyayari. nakikita ko lang ang sarili ko na nakatunganga sa isang blankong papel habang umiinom ng kape ng alas-3 ng madaling-araw.

feeling ko may pumipigil sa'kin... feeling ko wala akong maisusulat na maganda... feeling ko hindi na para sa akin ang pag-sulat.

pero kahit anong mangyari, itutuloy ko pa rin ito. dahil alam ko sa sarili ko na kakayanin ko 'to. na may patutunguhan ang pinag-hahasaan ko. na balang araw magiging successful ako sa napili kong tatahaking landas.

kaya kahit anong sikip pa man ang mundong gagalawan ko, mananatili akong pursigido. hahawakan ko pa rin ang papel at panulat, idagdag mo na ang mga libro na magbibigay sa'yo ng impormasyon at inspirasyon. kaakibat din dito ang suporta ng mga kaibigan, maging ang mga experience nila sa buhay sa kahit anong aspeto. sabi nga sa isang cartoon show, "you write because you can express others feelings. taht's why i'm proud of you" something like that.

salamat, nailabas ko na rin ang sama ng loob ko. hindi na mabigat ang kalooban ko...

good luck na lang sa babayaran kong rental fee dito, kupow.

*nakangiting naglalog-out ang may akda habang nilalog-out niya ang account niya sa friendster.(~.~)

No comments:

Post a Comment